Saturday, January 8, 2011

Bakit nilikha ang Kalikasan at "Wikang Filipino"..


Bakit nilikha ang "Kalikasan at "Wikang Filipino""....sa facebook.com...

Sa isang bansa na nangangailangan ng tulong ang kalikasan sa mga mamamayang nakatira dito ay kailangan magkasundo ang mga mamamayan kung anong wika ang kailangang gamitin para maiparating sa kanila ang mga dapat gawin na lubos nilang maiitindindihan.....

Sa bansang Pilipinas...na may mahigit isandaan at limanpong wika ang kasalukuyang ginagamit ay napaka-posible na ang ating "Wikang Filipino" ay maging sandata sa pagtulong sa namamatay nating kalikasan...at panlaban sa dumaraming sakit na tanging ang mga dalubhasa lang ang siyang nakakaintindi dahil ito ay nakasulat sa salitang englis....

Masakit sabihin na napakaraming "Pilipino" ang alam nating maraming nakakapagsalita at nakakaintindi ng salitang "English" pero sa ating "Pambansang Wika" o "Wikang Filipino" o "Tagalog" ay kakaunti lamang sa hindi malamang dahilan...gayun ito ay sabay na itinuturo sa ating mga paaralan....

Bakit ba o bakit nga ba nilikha ang "Kalikasan at "Wikang Filipino" sa facebook.com?

Ito po ay dahil mas madaling maintindihan ng ating mga kababayan ang kahalagahan ng ating "Pambansang Wika" o "Wikang Filipino" o "Tagalog" sa ating araw-araw na pamumuhay at gayundin sa pagtulong sa ating namamatay na kalikasan....

Ang facebook.com ang pinakamalaking networking sa buong mundo, halos lahat ng lahi ay sumasali o sumasapi dito....at halos lahat ng lahi ay nakakaintindi ng salitang "English"....pero lahat halos ay hindi magkaintindihan kung kalikasan na ang paguusapan...

Sa ating bansang Pilipinas, ganito din po ang nangyayari, wala tayong pagka-kaiba...

Bigyan po natin ang halimbawa ang "LANDFILL"...sa "Wikang Filipino" ang pagkakaintindi natin dito ay simpling "Lupang Pinupuno o Lupang Puno"...wala sa salitang "LANDFILL" na ito ay imbakan ng mga nakakasulasok na mga basurang nakakalason sa ating kalupaan, kahanginan, kailogan, at nai-imbakan ng iniinom na tubig (Watershed)....ano po...pero pag tinanong mo ang mga enhinyero na karaniwan ay banyaga...kung ito ay makasisira ng ating kalikasan....ay sasagutin ka ng mga salitang banyaga tungkol sa pagiging ligtas ng ating kalikasan sa kanilang ginawa na kahit sila...totoo po ito...ay hindi komporme sa kanilang isinasagot...

Sa "Wikang Filipino",,,simple lang ang sagot sa kanila...walang bagay ang hindi sinisira ng tubig sa kalaunan, sabihin na nating medyo matagal pero ito ay masisira din....at ang basura ay may kasamang tubig...tubig na nalilikha din ng mga nakakalasong kemikal...ilan kayang klase ng lason ang nandirito, ang bakterya, ang mikrobyo, maari sigurong bilyon o trilyon, nai-test o napag-aralan ba nila ito ng isa-isa...napaka-imposible ano po....

Sa mga enhinyerong Pilipino, ito lang po ang sasabihin niya...this is very safe, according to the engineer who invented this kind of landfill...he he bobo sa ro4, sabi nga ng mga bata.....hindi niya pa sabihing....pera ang mahalaga dito kahit na magkamatay kayo pati pamilya ko, mahalaga marami akong pera....

Isa ang napakahalaga sa pagkakalikha ng Kalikasan at "Wikang Filipino" sa facebook....at ito ay ang pagsasa-tagalog o pagsasalin sa "Wikang Filipino" ng mga "BATAS PANGKALIKASAN" na tanging ang mga akda lamang ang nakakaintindi...sabihin na nating mga "Congressman" na may mga salitang englis na kahit sila ay di din gaanong naiintindihan....

Isa sa mga pakikipagusap namin sa isang "Congressman" ang nagsabi sa akin ng "Jimmy, baka hindi mo nalalaman na ang mga batas pangkalikasan kung iyong pagsasamasahin ay mahigit dalawang dangkal na, ang problema.... hindi ginagawa sa mga munisipyo dahil wala daw silang pondo....kaya wala sa kongreso ang problema, nasasa-kanila...

Ang EO 720 ng dati nating Pangulong GMA ay english, ang AO 17 ng Department of Social Welfare and Development ay english din, ang mga batas pangkalikasan ay english din, puro english na kung isasalin natin sa "Wikang Filipino" at ilalagay o isusulat nating sa Kalikasan at "Wikang Filipino" ay magpapabago ng pananaw ng mga "Pilipino" tungkol sa ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."...dahil iisa lang ang kalalabasan ng lahat ng ito, at ito ay:

"GUMAWA AT TUMULONG SA ATING KALIKASAN NG MAY PAKINABANG"....tama po, gagawa o tutulong sa ating kalikasan ng may pakinabang, give and take ika nga, dahil tayo ay isang "Foundation" o "Organisasyon" na hindi hingi lang ng hingi, ang gusto namin ay makikinabang din ang mga gagawa at tutulong sa ating namamatay na kalikasan...at iyan ay unti-unting ituturo sa ating "Kalikasan at "Wikang Filipino" sa facebook.com.

Isa ding dahilan sa pagkakagawa nitong ating "Kalikasan at "Wikang Filipino" ay ang aming hinihinging partisipasyon ng mga miyembro para makagawa ng kanilang sariling petisyon sa mga ginagawa ng ating gobyerno o maging ng mga pribadong kumpanya...purihin sila o isulat ang kanilang mga kamalian at ating ipo-post sa kanilang website ang inyong petisyon, sampu (10)pataas lang na komento sa ating mga miyembro ang ating kailangan bago natin ito i-post, tiyakin lang na ito ay nakasulat sa "Wikang Filipino", tunay na pangalan ang ilalagay at sa ating Doc isusulat....

Isa pa ding dahilan ay ang pagiging lamang ng grupong "Kalikasan at "Wikang Filipino"" nito sa mga nagawa ng grupo sa facebook.com......sa ibang grupo kahit na gaano kadami ang miyembro, ang inyong ginagawang posting ay halos kayo lang din ang makakabasa....hindi katulad ng ating grupong "Kalikasan at "Wikang Filipino" na ang lahat ng inyong gagawing posting ay mababasa din ng lahat ng miyembro dahil...tayo lang ang may sariling email add, kaya natatangap ang lahat ng post sa mga email add ng mga miyembro....

Sa pagkakalikha ng "Kalikasan at "Wikang Filipino"" sa facebook, ay isa lang ang gusto naming iparating sa mga kapwa nating "Pilipino" na marunong mag-internet at kasapi sa network o networking na ito....gamitin natin ang ating "Pambansang Wika" o "Wikang Filipino" kung tungkol sa ating kalikasan ang paguusapan, mas maipapaliwanag namin sa inyong mabuti kung ano ang nais iparating ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." o "Pondasyon ng mga tagapag-bantay para pigilan ang pag-init ng klima sa mundo"....sa inyong mga katanungan kung paano ang mga gagawin nating pagsasalba sa natitira pa nating kalikasan...habang hindi pa tayo masyadong huli...pero tayo, tayong mga "Pilipino" ay nabibilang na sa mga una....na walang alam sa mga nangyayari sa ating kalikasan....kaya ito ay ituturo namin sa inyo.....patnubayan nawa ng ating "DIYOS" ang ating bansa....

MARAMING SALAMAT SA MGA MAGTITIYAGANG MAGBASA NG BLOG NA ITO...GAYUNDIN KAY AIZA SEGUERRA NA GUMAWA AT KUMANTA NG TEMA NG BLOG NA ITO...ANG "KALIKASAN"....

No comments:

Post a Comment